About Me

Linggo, Marso 25, 2012

Last Day sa DCCS.

ayun late post po ito. ngayon lang ako sinipag magpost -_-

                            Di naman cguro last day talaga. pero last day na namin dun sa classroom tumambay. oye >_< dahil last day namin nung friday. gumawa ako ng paraan para maging masaya. \m/ tinawag ko si Earl Perez at sabi ko sa kanya "Earl tara lets move out!" edi lumabas kami.tapos pumunta kami sa floor nang mga 2nd yr at 3rd yr. at alam niyo kung ano ginawa namin?? XD
                  Ginulo namin sila. Susulpot na lang kami nang biglaan sa harap ng kung sinu sinong estudyante na di namin kilala at sabay sigaw nang "YEAAAHHHHH!!!" o kaya "MUSTA NA DRE?" o kaya naman "APPPIIIIRRR!" sabay ayun nakikiapir o nakikiyeaaah na lang sila. :D at kasama ko rin pala si Renzo Pangan na walang ginawa kundi tawanan kami. Di kami nakuntento sa 3rd yr at 2nd yr. Bumaba pa kami sa 1st yr. at naging mga INSANE kami dun.hahahaha. bigla nalang kami nag-hello sa loob ng room ng mga 1st yr. At dahil medyo di  pa kami pagod at di talaga nakuntento bumalik kami sa 3rd yr. At inulit namin ung ginawa namin :D LOLS eh. Tas nadaan namin ung ibang CO tas si Earl naman na mukha nang sinapian ay inapiran niya ung mga CO na nakastay sa hagdanan kasi nga nandun ako. XD

                    Tas nung napagod na kami kakababa at akyat. punta kami sa room namin. At dahil sa sobrang boring dun. Nag-soccer kami ni yvan at ang bolang gamit ay ung volleyball. tas medyo makalipas nang ilang minuto. ako naman ung sinapian.kasi Inaasar ko si wakin nang todo. lol para talaga kaming hindi mga 4th year eh nugn araw na yun pero masya naman :D \m/ ayun paalis na pala kami sa Don Carlo men. kaya bye bye na! Salamat sa inyong lahat. salamat sa mga kaibigan ko. mamimiss ko kayo. \m/

Walang komento: